Adamsonian Ka Kung…
Nabasa ko lang ‘to sa isang forum ng Adamson University Group dito sa Friendster. Pinili ko yung mga bagay na nakakatawa at proven na… Wahahahaa!
Ano nga ba ang mga Adamsonian? Paano malalaman na Adamsonian ang isang estudyante kahit hindi siya nakasuot ng uniform at ID?
Adamsonian ka kung…
- "classmate" ang tawag mo sa ibang estudyante kahit ni minsan ay hindi mo sila naging classmate.
Adamsonian ka kung…
- bano ka sa basketball.
(malalaman daw na Adamsonian ang isang basketball player sa pananalita nito, "uki, tama ba Dung?")
Adamsonian ka kung…
- laman ka ng Masagana.
- alam mo na ang lahat ng pasikut-sikot ng SM Manila.
Adamsonian ka kung…
- nasanay na ang ilong mo sa "aroma" ng Falcon Bridge.
- nakabisado mo na ang color of the day ng Estero de Balete.
Adamsonian ka kung…
- maikili ang buhok mo kung lalaki ka.
- itim na itim ang buhok mo.
- naranasan mo nang umikot pa ng pagkalayu-layo sa gate ng OZ dahil hindi ka pinapasok sa ST o CS.
- nahadlangan na ng mga guard ang pag-aaral mo nang dahil lang sa mahabang buhok, tattered pants, tsinelas, atbp. (amp!)
- ang buhok mo ay katulad nung kay St. Vincent. (bwahahahaha!)
- may nakita kang "classmate" na nakikipag-away sa guard.
- (kung lalaki ka) araw-araw mong hinahawi sa gilid ang buhok mo dahil natatakot kang masita ng guard.
Adamsonian ka kung…
- naririnig mo araw-araw ang guard sa San Marcelino St. na nagsasabi gamit ang megaphone ng, "Tawid na po kayo, mga magaganda at pogi. Tawid na po kayo habang wala pa ang mga ‘behikulo.’" O kaya naman ay, "’Wag po muna kayo tumawid Ma’am/Sir, nagdadagsaan po ang mga behikulo. ‘Wag niyong sayangin ang buhay niyo, mga kabataan. Kayo ang pag-asa ng bayan." (yoohoo!mabuhay si manong guard!)
- naranasan mo nang makipag-patintero sa mga 10-wheeler trailer trucks sa kahabaan ng San Marcelino.
- hindi ka na natatakot sa lalaking baliw dun malapit sa TUP.
Adamsonian ka kung…
- ang tawag mo sa OZANAM building ay "o-zey" imbis na "o-zi."
Adamsonian ka kung…
- nakarating ka na sa Zobel.
- alam mo yung latest chismis sa Maan’s.
- alam mo yung Penny’s.
Adamsonian ka kung…
- natitiis mong maghintay sa mahabang pila tuwing enrollment at bayaran ng tuition.
- napapansin mong bagamat napakarami ng window (cashier), isa o dalawa lang ang gumagana.
Adamsonian ka kung…
- sa kalagitnaan ng bagyo ay papasok ka parin dahil wala pa daw announcement na suspended na ang klase. After 1 hour ay pauuwiin ka rin dahil may memo na raw.
Adamsonian ka kung…
- ang tanging napapanood mo lang na mga theater plays ay yung gawa lang ng DBAP (Pinoy Samurai, Desaparecidos, etc.).
Adamsonian ka kung…
- araw-araw mong kalbaryo ang 100-mile Falcon Walkway.
Adamsonian ka kung…
- daig mo pang sumabak sa concert tuwing nasa ST Canteen ka dahil sa sobrang sikip.
- alam mong ang Paotsin, Santy’s, Paj, etc.
- ikaw ang nagliligpit ng sarili mong pinagkainan sa mga canteen ng Adamson! (bago lang ‘to!)
Adamsonian ka kung…
- tinatamad kang pumunta sa Foundation day.
Adamsonian ka kung…
- may nakikita kang mga "classmates" na adik na adik sa walang kamatayang Rubik’s Cube. (kadalasan mga Engineering students ‘to! May "fishtank level" pa daw amp!)
Adamsonian ka kung…
- napansin mong ang ikinabubuhay ng mga taong nakatira sa paligid ng Adamson ay ang computer rentals, pagse-xerox, pagbebenta ng yosi, at ang pagbebenta ng walang kamatayang Rubik’s Cube!
- napansin mo ring kahit maraming nagbebenta ng mga walang kabuluhang bagay na’to sa labas ng Adamson, napakahirap naman maghanap ng tindahan ng school supplies (kung meron man, napaka-layo).
Adamsonian ka kung…
- memorize mo ang student number mo.
Adamsonian ka kung…
- alam mo yung mga "sikretong lagusan"/"secret tunnel" sa chapel ng ST.
Adamsonian ka kung…
- kilala mo si St. Vincent de Paul.
- araw-araw tumatakbo sa isip mo yung kantang "75 years of love…" (bwahahaha)
Adamsonian ka kung…
- tuwing Sabado o Linggo ay makikita kang nakasuot ng green o gray na t-shirt (NSTP)
Adamsonian ka kung…
- marami kang reklamo sa Adamson… pero pilit mo pa ring sinisiksik ang sarili mo dito.
Tama ba mga "classmates?!" Wahahahaha!
eto yung address ng forum: http://www.friendster.com/group-discussion/index.php?t=msg&th=1199912&prevloaded=1&&start=0