Ang Ubos-Talinong UPCAT
Matagal-tagal n rin nung sinabi sa ‘kin n magte-take daw ako ng upcat… E wala naman akong pake dun saka nagtataka pa nga ako kung bakit dapat ang aga-aga e ‘di pa nga ako graduate ng haghschool… kung ‘di ko pa nalaman na bibilhan ako ng bagong cellphone pag pumasa ako dun at kung ‘di pa ‘ko tinakot na itatapon n lang sa mga school sa tabi-tabi e ‘di pa ‘ko mag-aaral….
Tapos kung anu-ano na ung pinag-bibigay nila sa ‘king libro, pero yung una yung reviewer ng science (ewan ko ba kung b’at ‘di ko gaanong inaral ‘yun, e ‘di sana ‘di ako nagkanda-ugaga magreview nung malapit n ang test…. huhuhu…)…
‘Nung nakakuha na ‘ko ng application form, ipapasa ko n sana ng maaga e…. Kaya lang ang daming dahilan nung office sa skul! Nandyan ung "Wala yung registrar, nag-lunch, sarado ang opis ngayon, wala, tulog, umalis…. Hindi tuloy ako nakapagpasa ng maaga…. Takot ako kasi malapit na yung deadline nung pasahan (June 21 ‘ata yun)…. Nagulat na lang ako,
teka may nanalo daw 1 million sa deal or no deal e…
Nagulat na lang ako, pumunta mismo ung registrar namin sa clasrum at namigay ng mga application form… Aba, an’daming kumuha! Halos 1/4 ng klase…. E dahil nga madaming eche-bureche pang kailangan na ilalagay dun sa aplic form ng UP at malapit na ang pasahan, apat lang kami nakapagpasa…
Sumunod nanaman ang maraming araw bago mag-test (Aug. 6), ewan ko ba sa tanga kong sarili kung bakit ang kampa-kampante ko at nakalimutan ko nang mag-aral…. Bwisit kasi ‘tong internet e! Natauhan lang ako nung 1 wik before the test na… Aral-aral… May nagtutor na rin sa’kin ng math kasi dito natulog si Kuya Lloyd ng isang linggo…
Bumili rin si Ate ng bagong cellphone (pang-inggit?) nung Friday, 6680 ata yun… Yun bang dalawa yung camera (haytetsh na sakin yun, mayaman ka kasi e!)… Sakin daw yun kung pumasa ako (ano kaya yun, sa February pa malalaman results! maluluma na yun! Unfair! Unfair!)….
Nung Sabado (isang araw bago mag-test), pumunta si Ate Net sa bahay, overnyt… Tapos pumunta kami sa UP kasama si Pa (syempre, sinong magda-drive?) para daw i-chek yung location nung test ko (Music Building) para daw ‘di na maligaw kinabukasan….
Pagkauwi, aral hanggang alas-10… Bago matulog, sabi ni Ate Net na bago daw magtest, magpray daw ako ng 1 Our Father, 3 Hail Marys, at 1 Glory Be. Pag nasa pinto na raw ako ng rum na pag-eeksaman, padyak daw ako ng isa… Nakapasa daw siya sa isang test dahil dun…Tapos, tulog… ‘Di pa nga ako makatulog e! Nagising ako mga alas-2 ng madaling-araw… ‘Di pa rin makatulog… Kung saan-saan na nakarating utak ko hanggang maisip ko na kung pano makuha ung degree ng angle dun sa isang tanong ng reviewer ko (haha… mukang tanga!)…. Tapos nakatulog na ako….
Ginising ako ni Ate Net at ni Pa nung alas-3 pa lang (excited aba!)… Almusal longgadog… Sasama rin pala si Ate Do… Andami nilang binaon, parang magcacamping sa UP! May nagyeyelong coke, thermos na may kape, plastic cups, bumili pa nd pandesal at mayonnaise!
Dumating kami sa UP alas-4… Tatlong kotse pa lang nandon… Mukang gago yung tiyan ko, ngayon pa nagloko… Tumae tuloy ako sa portalet ng UP (may tissue naman e)… Si Ate Do naman umihi sa kabilang portalet… Dahil nga madilim, naihi sya sa takip nung toilet! Waaahhhhhh…. Lumabas sya, basa yung shorts! Wahahaha! Tapos nakabold sa kotse!!
Dumami na yung tao nung alas-6… Kahit sa ibang building… Tapos pinabuo kami ng group of 10 (the boat is sinking ba’to?)…. Chinek yung permit… Inadvisan na magdala ng jacket at malamig raw dun… E wala akong dala e saka baka kaya ko yung lamig… Pinapasok na kami… Nagpray ako habang nasa pila tulad ng advise ni Ate Net…
SYET! Anlamig nga! Di ko kaya!… Nkalimutan ko pa yung padyak power ni Ate Net… Siguro sa isang clasrum, 50 kami…
2 bantay namen… Mahigit isang oras na instructions… Bawal pla kalkyu?! Pero pede kumain habang nagtetest… Aba, at kailangan #2 Mongol pencils ang gamit (sponsor?)…. Pinahiram naman nila yung iba ang dala (isa nako dun kasi #1 at #3 dala ko e)….
Nagtest na kami… Apat lang palang subjects… Language, Science, Math, Reading… May karampatang oras lang bawat isa… Di na pwedeng bumalik sa previous subject kung tapos na (Sabi ni Bea, classmate ko na nagtake din ng UPCAT, may napalabas daw sa clasrum nila dahil bumalik sa previous subject)…
Anlamig talaga, Yung iba may gana pang kumain, lumabas pa ko para umihi… Natatawa pa nga sa kin ung bantay kasi lumabas ako, nanginginig… Katakot sa CR, wlang tao sa buong 1st floor!
Tapos balik sa test… Bwisit na math yan ‘di ko natapos.. Hinulaan ko tuloy yung last ten sa math kasi di na pwedeng bumalik e… Pinakamadali ata yung reading… Babasahin mo lang ung isang selection tapos sasagutan yung tanong… Pampatagal lang yung pagbabasa…
Pagkatapos ng test, pagkalabas ko, di ko nakita yung kotse dun sa dating pinarkan… Mga 15 mins ako naghanap-hanap… Mangiyak-ngiyak na ko, inisip ko kung pano uuwi e kendi lang laman ng bulsa ko, di ko pa nakain… Akala ko nauna na si Papa at si Ate Net dun sa b-day ni Clyde tapos nagpaiwan si Ate Do, nagtetex nang nagtetex sa kin si Ate Do e Naiwan ko cp ko sa kotse, naka-silent!… Wuhuhu… Matapos kong magpakahirap sa test, magcocomute pa ko?! Mangiyakngiyak na talaga ako… Sabay may sumagaw sa dulo ng parking, si Ate Do, nasa kotse… Yun pla, lumipat dun sa di mainit…
Haaayyy…. Pagkatapos talaga ng hirap, sarap magpakasarap… Nung nasa b-day kami nkatatlong serving ata ako non…. Umuwi ang buong family dito sa Pasig, nagbukasan ng regalo ni Clyde, kinain ung cake pati yung mga tirang pagkain, nag-magic sing (sana nandito si Ma)…
Tapos ngayon pa-inter-internet na lang…
Makapasa kaya ako?….